COCG TV Streaming

Iftar sa Tent
Huda TV Channel

Panayam Audio

Mensahe ng Islam

Login Form






Lost Password?
No account yet? Register

COCG NewsFlash

Cooperative Office of Call & Guidance in Al-Bat'ha nag-aanyaya sa inyo na makilahok sa ating programa tungkol sa Islam

 

Bagong website ng COCG in Al-Batha. Maari po kayong mag rehistro sa ating website para maibalita namin sa inyo ang mga bagong lathalain namin at mga ibang programa tungkol sa Islam.
 
Ang Pag-aayuno
Written by Khalid Evaristo   

Ang Kabutihan ng Ramadan

Isinalaysay ni Abu Hurairah:  Ang Propeta(SAS) ng Allah ay nagsabi:

Buwan ng RamadanKapag nagsimula ang buwan ng Ramadan, ang mga tarangkahan ng Jannah (Paraiso) ay nakabukas, at ang mga tarangkahan ng Impiyerno ay nakasara, at ang mga demonyo ay nakakadena.(Sahih Al-Bukhari at Sahih Muslim)

Ang mga tarangkahan ng Paraiso ay nakabukas sa buwang ito sapagka’t sadyang napakaraming kabutihan ang isinasagawa.  At ito rin ay nagsisilbing sigla sa mga taong naghahangad na matamo ang ibayong biyaya mula sa Allah.  Sa kabilang dako naman, ang mga tarangkahan ng Impiyerno ay nakasara sapagka’t kakaunti ang mga kasalanang nagagawa ng mga nananampalataya.  Ang mga demonyo ay nakatanikala upang sila ay hindi magkaroon ng dati nilang pagkakataong bumulong at iligaw ang mga nananampalataya.

Last Updated ( Tuesday, 26 August 2008 )
Read more...
 
Ang Walang Hanggang Mensahe
Written by administrator   

MensaheHindi bago ang relihiyong Islam sapagka’t ang Islam (ang pagsuko sa kalooban ng Diyos) ay tanging relihiyon sa paningin ng Diyos. Sa ganitong kadahilanan, ang Islam ay tunay at likas na relihiyon, at ito ang dating walang hanggang mensahe na ipinahayag sa pagdaloy ng panahon sa lahat ng Propeta ng Diyos katulad nina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad (SAS). Silang lahat ay nagturo ng isang magkakatulad na Mensahe: Ang dalisay na Monoteismo.

Last Updated ( Friday, 15 August 2008 )
Read more...
 
Ang Mensahe ng Huwad na Relihiyon
Written by Web Master   

ArticlesMaraming sekta, kulto, relihiyon, pilosopiya at kilusan sa daigdig ang nag-aangkin ng tamang landas o ng tanging daan patungo sa Diyos. Paano malalaman ng sinuman kung sino ang tama o kung sila kayang lahat ay tama? Ang paraan upang malaman ang kasagutan ay ang pagbibigay liwanag sa mababaw na pagkakaiba sa mga itinuturo ng maraming nag-aangkin sa tunay na katotohanan, at kilalanin kung ano at sino ang kanilang sinasamba na kanilang itinuturo, tuwiran man o hindi. Ang mga huwad na relihiyon ay may iisang batayan sa pagkakilala sa Diyos. Sila ay nagpapahayag na ang lahat ng tao ay Diyos, o kaya’y may mga natatanging tao na naging Diyos, o kaya’y ang kalikasan ay ang Diyos o kaya’y ang Diyos ay isang bungang-isip lamang ng tao.

Last Updated ( Friday, 15 August 2008 )
Read more...
 

Polls

Al-Batha Islamic Center
 

Who's Online

News Subscribe







Copyright© 2008 Cooperative Office Call and Guidance in Al Batha. All right reserved.
Your are Visitor No.: